Ang South Africa, opisyal na Republika ng South Africa, ay isang bansa na matatagpuan sa katimugang dulo
ng kontinente ng Aprika. Matatagpuan sa hilaga ang mga bansang Namibia, Botswana at Zimbabwe; sa silangan ayMozambique at Swaziland; at sa loob nito matatagpuan ang Lesotho.
Isa sa may pinakamaraming pangkat etniko sa kontinente ng Aprika ang South Africa. Dito ang pinakamaraming Europeo na nasa Aprika, pinakamaraming populasyon na Indiano, gayon din ang pinakamalaking kumunidad ng halong etnisidad (ng pinaghalong Europeo at Aprikano).Naging malaking bahagi ng kasaysayan at politika ng bansang ito ang pakikipaglaban sa lahi at etnisidad sa pagitan ng mga nakakaraming itim at iilang puti.